Ang Paglalakbay sa Buhay ni Jose ay isang ekstra ordinaryong pangyayari sakin. Muli kong natunghayan ang mga lugar na kung saan nalalarawan ang buhay ng isang henyo at dakilang tao sa kasaysayan ng ating bansa. Sa mga lugar na ito, tayo'y magbalik tanaw sa mga mahahalagang pangyayari kay Dr. Jose Rizal.
Maaga pa lamang ay gumising na ako at inayos ang mga bagay na kakailanganin para sa paglalakbay aral sa Buhay ni Jose. Nagdala ng isang maliit na sisidlan, pamalit ng damit, pabango syempre at iba pang gamit. Syempre pinaghandaan ko na rin ang magiging gastos dito. Hinintay at naghintay sa mga kasama sa pinagkasunduang lugar at gaya ng inaasahan "nahuhuli man ngunit nakakhabul pa rin", medyo nahuli kasi yung iba sa usapang oras. Pagkatapos makompleto ay humayo na kami at naglakbay.
Fort Santiago
![]() |
Pasukan sa Fort Santiago |
![]() |
Metal na Yapak ni Rizal |
![]() |
Ang Piitan ni Jose sa Fort Santiago |
Hindi naman ako o kami nahirapan sa paghahanap sa Fort Santiago subalit sa haba ng aming nilakad dun kami nahirapan. Sa pagpunta dito ay nagtanong tanong din kami ng direksyon, may mga tamang sagot at may mga patamang sagot ang aming mga natanungan. Hahaha, ang saya pa nga eh kasi may nadaanan kaming underpass na may mga mukhang adik o baka adik na nga ata yun ng mga nakatambay. Sa loob ng Fort Santiago dun na namin natagpuan ang mga yapak ni Jose na sinundan namin patungo sa kanyang piitan. Pero yung kulungan mukhang hindi na piitan, wala ng bubong. Hindi maipinta ang kagalakan ko ng makapasok na kami sa Fort Santiago, first time eh hehe. Ang damdamin ko'y nagumapaw sa galak dahil napuntahan ko ang isa sa mga makakasaysayang lugar sa buhay ni Jose.
![]() |
Isa sa mga larawan namin ng mga kasama ko sa metal na yapak at piitan ni Rizal |
Ito ang unang paaralan na pinasukan ni Jose sa Maynila noong Enero 2, 1872. Dito niya tinanggap ang maraming parangal at natong sobresaliente.
Hindi naman ganun kahirap ang paghahanap sa lugar na ito dahil nga sa ito ay nasa loob lamang ng Intramuros at hindi kalayuan sa Fort Santiago madali lang namin ito natagpuan. Mapalad kami nun kasi may matino kaming napagtanungan di gaya nung sa ibang lugar. Sa sobrang init ng panahon nakakapawis talaga. Hindi ko na pinansin yung gusali kasi parang may puting tent na dun ngayon.
Unibersidad ng Santo Tomas
![]() |
Dating kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo Tomas |
Pinaglitisan ni Jose
![]() |
Kwarto ng pinaglitisan ni Dr. Jose Rizal Sa loob ng kwartong ito nilitis si Jose. Makikita sa loob ang isang pigura ni Rizal na nagapos ang mga kamay at nililitis. |
![]() |
Marker ng Cuartel de España |
Monumento ni Jose
![]() |
Monumento ni Dr. Jose Rizal (Luneta Park) |
![]() |
Harapan ng Gallery V |

Paco Cemetery
![]() |
Ang Himlayan ni Jose |
Tahanan ni Higino Francisco
![]() |
Kinatatayuan ng Bahay ni Higino Francisco |
Nahirapan kaming tukuyin ang lugar na ito sapagkat ang driver ng tricycle na aming nasakyan ay nagkukunwaring alam niya ang lugar. Nagpaikot ikot kami sa mga kanto ng Binondo. Masikip at matao pa naman ng mga oras na yun. Nang matuklasan namin ang lugar at magbabayad na kami sa driver ang humingi pa ito ng dagdag at sinisi pa kami. Pagkakataon nga naman, pero sa huli naging masaya pa rin. Hehehe at last, ang huling destinasyon, hohoho natapus din.
Isang malaking karangalan para sa isang estudyante na katulad ko, ang makarating sa mga lugar na kung saan masasariwa at maalala mo ang isang henyo, manggagamot, dakila at isang tao na may matayog ang
pagmamahal sa bayan, at walang iba kung hindi si Dr. Jose Rizal ang taong ito. Naging malaking tulong ang lakbay aral na ginawa namin upang mas makilala namin si Jose. Kung dati sa libro mo lang nakikita ang kanyang mga ginawa, sa lakbay aral na ginawa personal kung nakita ang kanyang mga likha at mga obra maestra. Namasdan ko rin ang ibang gawa na patungkol sa kanya. Nakakalaki talaga ng puso ang mga lugar na yaon.
Dahil din sa lakbay aral na ito may mga tao ako na nakasalamuha na kung tutuusin eh mas may alam pa kaysa sakin sa history nung mga lugar. Astig talaga ito. Bukod sa galak na dulot ng paglalakbay, akalain mo narating ko ang mga lugar na yun. Hindi ko kasi iniisip ito nung bata pa ako, kaya nga ang saya talaga.
Nagpapasalamat ako ng lubos sa aming guro, ma'am Bella sa binigay nyong pagkakataon na ito.
Pagpalain po kayo ng Maykapal.
Isang malaking karangalan para sakin ang dulot ng Paglalakbay Aral sa Buhay ni Jose.
"Mahal ko ang aking bayan pagka't utang ko rito at magiging utang pa ang aking kailgayahan"
-Ibarra
Titanium Rod in Leg T3 (Tioga) - TITanium Art
TumugonBurahinT3Tioga Rod, in the T3Tioga, micro hair trimmer is an American style rod and handmade black titanium ring aluminum-finished titanium trim hair cutter reviews in an effort to be perfect for the larger and larger T3Tioga $24.99 sunscreen with titanium dioxide · citizen super titanium armor Out of stock